Ilaw sa 36,000 sitio sa bansa pangako ni PNoy

IPINANGAKO ni Pangulong Benigno Aquino III na bago magtapos ang kanyang termino sa 2016 ay gagawin niya ang lahat upang mabigyan ng suplay ng kuryente ang may 36,000 sitio sa bansa na hanggang ngayon ay wala pang koryente.

Sa naging mensahe ng Pangulong Aquino sa 33rd annual general membership meeting ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Incorporated sa Pasay City, tiniyak ni PNoy na sa dalawang taon pa lamang ng kanyang administrasyon ay umaabot na sa 2,400 sitio ang kanyang napailawan.

At ngayong taon ay target naman nila ang may 6,700 sitio.

“Ganito mismo ang ginawa natin upang mula Oktubre 2011 hanggang Hulyo ng taong ito ay napailawan natin ang halos 2,400 na mga sitio. Kumpyansa tayong sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng electric cooperatives, mapapailawan natin ang target na 6,007 sitios.”

Sa kabilang dako, ipinaabot naman ng Punong Ehekutibo ang kanyang pasasalamat kay Energy Sec. Jose Rene Almendras at electric cooperatives dahil sa kanilang kampanya na mapailawan ang buong bansa.

“Hindi lamang po masusukat sa ilaw ng bumbilya o sa ihip ng bentilador ang ambag ninyo dahil ang katumbas ng inyong pagsisikap ay edukasyon para sa mga kabataan, paglago ng negosyo’t kabuhayan, at pagkakataon para umangat ang buhay ng mga nasa kanayunan. Sasamantalahin na rin po natin ang pagkakataong ito upang muling pasalamatan si Secretary Rene Almendras,” ayon sa Pangulo.

Nananalig naman ang Chief Executive na maipapasa na sa Kongreso ang National Electrification Administration Reform Bill na naglalayong palakasin ang NEA Charter at maiwasan na ang pamumulitika sa mga electric cooperative.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply