Iligal na tindahan ng gasolina sumabog: 3 dedo

PATAY ang tatlo katao nang sumabog ang iligal na tindahan at imbakan ng gasolina sa Brgy. Odikon, Pasacao, Camarines Sur.

Sa ulat sa radyo, kinilala ang mga namatay na sina Romely Tapat, 33; Ramil Quijano, 33 at Rolando Dominguez, 23.

Sa ulat sinabi na hindi nakalabas ang mga biktima nang sumabog at sumiklab ang sunog sa nasabing tindahan.

Nakita sa nasunog na tindahan ang mga drum ng hinihinalang pinag-iimbakan ng gasolina.

Pinaniniwalaan din na nagmula ang mga nakaimbak sa mga gasoline tanker na iligal na “nagpapaihi” ng produktong petrolyo sa mga maliliit na tindahan.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply