Imahe ng Customs pinatitingkad ni Biazon

KUNG sa mahabang panahon, negatibo ang mga ulat sa Bureau of  Customs dahil sa nangyayaring mga kalokohan,  ngayo’y ang naririning sa naturang ahensya ay kabaliktaran.

Sa ilang linggo nang nakaraan, ang pinag-uusapan ay ang ‘honest to goodness’ na trabaho ni Comm. Ruffy Biazon at ang kanyang mga tauhan. Hindi ba’t nakaaayang dinggin ang mga operasyon ng kasalukuyang liderato ng Aduana na nagreresulta ng maipagmamalaking mga ‘accomplishment”.

Talagang masarap sa tainga na marinig sa mga balita na nakahuli ang mga BOC agent ng international drug peddler sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa nasabing drug operation, milyong halaga ng shabu (methamphetamine hydrochloride) ng mga bataan ng congressman-turned customs chief.

Ilang linggo lang ang lumipas ay P42 milyong halaga naman ng puslit na bigas mula sa bansang Vietnam ang nahuli ng kanyang mga tauhan.

At ilang araw lang ang nakaraan ay tumataginting na kalahating bilyong halaga naman ng smuggled rice mula sa India ang nasakote ng mga bata ni Biazon.

Ang mga puslit na bigas na ito ay parehong sa Subic Bay Freeport pinadaan ng sindikato ng smuggling nguni’t nabuking kaya marahil nasakote.

Dahil sa magandang accomplishment na ito, umani ng papuri si Biazon sa mga opisyal ng pamahalaan na malinaw na bumilib sa ginawang ito ni Biazon. Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ay natuwa sa sunod-sunod na operasyon ng ito ng BOC, ayon sa pahayag
ni Sec. Edwin Lacierda.

Pakiwari natin eh, naka-score ang Aquino administration laban sa mga kritiko dahil sa malalaking achievement na ito nangyari sa BOC.

Dahil sa tatlong  matagumpay na operasyon na ito ng Customs, high score tiyak ang ibibigay ni PNoy  kay Biazon at mag tauhan.

Muli nating binabati ang men and women na magagaling diyan sa BOC dahil sa panibagong malaking accomplishment nila nitong nakaraan.

Ang pinagbubuting kampanya ni Biazon na sawatain, ‘di lang ang rice smuggling, kundi pati na ang lahat ng paraan na pagpapalusot ng smugglers ng kanilang mga kargamento upang dayaain sa buwis ang pamahalaan ay kahangahanga.

At dapat mutuwa si PNoy kasi’y nagresulta ng positibo ang personal order niya kay Ruffy
na walang sasantuhin laban sa smuggling.

Kaya kung bakit pinupuri ngayon ang BOC, aba’y dapat lang dahil sa maganda ginagawa ni Biazon at mga tauhan para tumingkad ang kinakalawang na imahe ng BOC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply