Importasyon ng troso, pinayagan ng DENR

BINUKSAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang importasyon ng troso matapos ipatupad ang total log ban sa bansa.

Sa ulat na ibinigay ni DENR Secretary Ramon Paje kay Senador Loren Legarda, chair ng Senate committee on climate change, kinumpirma ng kalihim na kanselado na ang lahat ng concession para sa pamumutol ng puno sa bansa upang mapigilan ang pagkakalbo ng kabundukan at pagbaha.

“All the 180 concessions, sinara na ho namin. Wala na ho, zero na ang logging,”ayon sa kalihim.“In all natural forest banned na ho ang timber foresting.”

Umaabot sa 7.6 milyong ektarya ang natitirang natural forest sa bansa at unti-unting nauubos kung patuloy na hahayaan ng gobyerno ang pamumutol ng troso kung saan 148 milyong board feet ang nakukuha ng mga magtotroso kada taon.

Kahit bawal na ang pamumutol ng troso, sinabi ni Paje kay Legarda na mayroon pa ring mga pasaway kung kaya nakakumpiska sila ng halos 14 milyong board feet ng troso.

Hinahayaan lamang ng DENR ang pamumutol ng puno sa mga kumpanya at indibidwal na may plantation ng puno.

Sa ngayon, umaangkat na lamang ang Pilipinas ng troso sa Papua New Guinea at Solomon Islands kung saan exempted sila sa pagbabayad ng taripa.

Inirekomenda naman ni Legarda sa DENR na payagan ang ilang indibiduwal na magtanim ng puno sa mga lupaing pag-aari ng gobyerno, sa kondisyon na hindi ito puputulin kapag “fully grown” na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply