Ina ‘di nasaksak, bahay sinilaban ng anak

SINUNOG ng isang lalaki ang kanilang bahay nang hindi nito mahabol para saksakin ang kanyang sariling nanay na sumita sa kanya dahil sa matagal na panonood ng telebisyon sa Zamboanga City kagabi (Agosto 30).

Nadakip naman agad sa maikling habulan ang suspek na si Arnold Francisco, 23-anyos, na sasampahan ng patong-patong na kaso tulad ng frustrated homicide, arson, at illegal possession of deadly weapon.

Pansamantalang tumutuloy sa bahay ng kanilang kamag-anak sa Barangay Lunzunuran ang ina ng suspek na si Margarita Franciso, 56-anyos.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-10:00 nitong Huwebes ng gabi sa bahay ng mag-ina.

Bago ito, sinita ng biktima ang suspek dahil sa bukod sa matagal na panonood ng telebisyon ay gabi na rin at nagpapahinga na sila sa kuwarto.

Imbes naman sumunod, binantaang patayin ng suspek ang kanyang ina pero hindi pa rin ito tumigil sa katatalak kaya kinuha nito ang kutsiyo at saka hinabol ng saksak ang kanyang ina pero nakailag ito.

Bibit ang iba pang anak, nakalabas ng kanilang bahay ang biktima at humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay.

Subalit pagbalik nila, sinilliban na pala ng suspek ang kanilang bahay hanggang sa tuluyang lamunin ng apoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply