Inihahalong sangkap sa toyo binabantayan ng FDA

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga sangkap ng soy sauce na inihahalo ng mga manufacturer sa kanilang produkto.

Ayon kay FDA Deputy Director Nazarito Tacandong, ang naturang hakbang ay upang malaman kung sumusunod ang mga manufacturer ng toyo sa itinakdang limit sa sangkap na 3-monochloropropane-1, 2-diol o “3-MCPD.”

Ipinaliwanag ni Tacandong na ang 3-MCPD ay isang uri ng kemikal na maaaring makasama sa kalusugan o maaaring maging sanhi ng cancer.

Matatandaang noong Hunyo 30, nagpalabas ang FDA ng mas mataas na pamantayan o standard safety o kaligtasan para sa soy sauce products kung saan 0.4 parts per million ang papayagang level ng 3-MCPD sa mga ibinebentang toyo alinsunod sa codex standards nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply