Iniwan ng nobya, kelot nagbigti sa puno

PAKIKIPAG-BREAK ng nobya ang maliwanag na motibo sa pagpapatiwakal ng isang 29-anyos na binata na natagpuang nakabitin sa puno ng mangga sa Barangay Agbalo, Panay, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Noel Gonzaga, ng Barangay Cagay, Roxas City at nagtatrabaho bilang kargador ng isang softdrink company.

Sa imbestigasyon, natagpuan ng kanyang kaanak ang biktima na nakatali ang leeg sa lubid at nakabitin sa isang puno sa likod ng kanilang inuupahang bahay

Namatay habang isinusugod sa pagamutan ang biktima ng kanyang mga kaanak.

Bago ang pagpapakamatay, nakita pang itinapon ng biktima ang kanyang cellphone matapos makipagsagutan sa nobya na sinasabing nakikipag-break dito.

Nakipag-inuman pa ang biktima sa kaibigan nito at umuwing lasing bago pa naganap ang pagpapatiwakal nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply