Iniwang posisyon ni Sereno, ayaw ni De Lima

MARIING ipinahayag ni Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima na hindi siya magkukumahog para sumama pa sa mga aplikante para sa posisyong iniwan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema.

Ayon kay De Lima, mas gugustuhin pa niyang tutukan ang trabaho bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi rin ni De Lima na mas gusto niyang mag-concentrate na lang sa DOJ lalo na at wala na si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Giit pa ni De Lima, maluwag niyang tinanggap ang ginawang paghirang ni Pangulong Benigno Aquino III kay Sereno bilang bagong chief justice.

Naniniwala si De Lima na kayang gampanan ni Sereno ang trabaho bilang Chief Justice dahil bukod sa ito’y bata pa, taglay rin nito ang pagiging daynamiko.

Iginiit pa ni De Lima na wala siyang kabalak-balak na kunin ang iniwanang puwesto ng bagong punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply