Inutil na hepe, commanders sa NCR bibitiw sa pwesto

NANGAKONG bababa sa kanilang mga pwesto bilang mga hepe ng 21 istasyon ng pulis at mga presinto sa Metro Manila ang mga opisyal ng pulisya sa ilalim ng National Capital Regional Command, kung hindi maaaksyunan ang lumalalang krimen sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa isang command conference ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig, nagkaroon ng ‘usapang lalaki’ ang mga hepe at precint commnanders kung saan nagkasundo ang mga ito na bakantehin ang kanilng mga posisyon kung sa loob ng isang buwan ay di pa rin nababawasan ang crime rate sa kanilang mga lugar..

Ayon kay Chief Superintendent Juanito Vano, deputy regional director for operations ng NCRPO, bukas na sekreto na karamihan sa mga station at precint commanders ay mga ‘bata-bata’ ng mga mayor, bagamat hindi epektibo sa kanilang mga trabaho ay nananatiling nasa pwesto .

Isa umano sa mga lugar na binigyang pansin sa pulong ay ang kahabaan ng Pasong Tamo sa Makati City kung saan ilang media practicioners na ang naging biktima ng holdapan sa pampasaherong jeep. Nagtuturuan umano ang mga presinto kung sino ang nakakasakop sa lugar na ikinadidismaya ng publiko.

Dahil sa mga nakadidismayang istatistiko, ipinagutos ni NCRPO chief Director Alan Purisima sa lahat ng station at precinct commanders na sawatahin ang kriminalidad sa loob ng isang buwan o matanggal sa pwesto .

Nagtala ang NCR region ng 15,257 krimen para sa 2nd quarter ng taon at tumaas ng 9.18 percent mula 13,974 krimen sa unang tatlong buwan ng taong 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply