Inutil sa kalamidad dahil sa P6 trilyong utang

GRABE na ang utang ng repablik ni Juan.

Matapos ang Kapaskuhan ngayong taon, tinatayang P5.52 trilyon ang magiging kabuuang utang ng Pinas. Pagdating naman ng Kapaskuhan sa 2013, mahigit nang P6T na dahil balak mangutang muli sina PNoy ng nasa P700 bilyon.

Rason nina PNoy, dahil oki umano sa mga credit rating agency ang Pinas, panahon na umanong mangutang nang mangutang.

Kasi mababa umano ang interes o anak ng utang.

oOo

Nakatatakot, sa totoo lang, ang pangungutang nang pangungutang.

Lokal at internasyonal ang mga utang na ito.

Alam ba ninyo na ang kalahati ng halaga ng gross domestic product o lahat ng serbisyo at produkto sa bansa taon-taon ang utang na yan?

Dahil sa laki ng utang na yan na kailangang bayaran, nangangahulugan ‘yan ng pag-amba sa atin ng mga bago o mas malalaking buwis.

Kakambal nito ang pagtitipid ng pamahalaan sa gastusin nito para kay Juan dahil may automatic appropriations para rito.

Ibig sabihin ng automatic appropriations ay ‘di baleng walang gastusin para kay Juan basta’t may maipambayad sa utang. Eh halos kalahati ng pambansang badyet natin ang inilalaan sa mga utang na yan.

oOo

Ngayon nga ay dinale tayo ng bagyo at napakagrabeng habagat.

Kay Bagyong Gener, ang daming napinsala sa Visayas hanggang sa kadulu-duluhan ng Luzon.

Nilubog naman ng habagat ang buong Metro Manila at siyam na lalawigan.

Kung milyon-milyong katao ang dinale ni Gener, milyon-milyong katao rin ang niyari ng habagat.

Ano ang nakita natin?

Walang tulong sa mga nagugutom, kokonti ang  rubber boat at amphibian at walang helikopter para sa pagliligtas, mano-mano ang pagkalkal sa mga nalalanislayd.

Yan ang mapait na bunga ng sobrang pangungutang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply