Isa pang bilanggo nakapuga sa NBP

PANIBAGONG problema ang kinakaharap ng New Bilibid Prisons matapos madiskubre ang pagkawala ng isa pang inmate sa loob ng maximum security compound kasunod ng pagkawala ni road rage killer Rolito Go.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nawawala ang inmate na si Rommel Laciste na convicted sa kasong murder na hinatulan ng Regional Trial Court ng Isabela.

Noong nakaraang taon lamang inilipat si Laciste sa Bilibid.

Ayon pa sa kalihim, isa sa mga teorya na kanilang tinitingnan ay posibleng nakasakay ito sa isang trak na nagde-deliver ng supply sa loob ng kulungan kung kaya’t nakatakas ito.

Nabatid na tatlong araw nang pinaghahanap si Laciste subalit hindi pa rin ito nakikita at isang search team na ang binuo ng kalihim para hanapin ang nakawalang preso.

Tiniyak ni De Lima na mananagot kung sino ang nagkulang sa pagkawala ng presong si Laciste.

Nagtungo kaninang umaga si De Lima sa NBP Prisons para pulungin ang mga opisyal nito at para tanungin kung ano na ang estado sa paghahanap sa nakatakas na si Laciste.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply