Isang linggong bagyo

ISANG linggong nanalasa ang bagyong Gener sa repablik ni Juan.

Kaya naman isang linggo ring nagkahetot-hetot ang buhay ni Juan.

Dahil sa bagyo, nagloko rin ang habagat at bumanat ng siyam-siyam na pag-ulan.

At kamalas-malasang umaahon din ang hay tayd mula sa dagat sa mahigit dalawang metro nitong taas.

Resulta: baha na katakot-takot kahit saan.

Iba pa ang mga malalaking alon na dumaluhong sa maraming lugar kung saan-saan.

Lahat na lang ay nasalanta  dahil  sa  isang linggong masamang panahon.

oOo

Habang sinusulat natin ito, Suki, nasa 24 na ang namatay, karamihan sa lunod.

Ang mga magsasaka naman ay nalunuran ng mga pananim.

Isang linggo na ring hindi makapalaot sa karagatan ang mga mangingisda.

Ang dami namang huminto sa biyahe na mga biyahero at namamasahero. Ang daming naistranded na pasahero ng mga eroplano, barko at panglupang sasakyan.

Ang mga negosyante naman ay nagkandalugi-lugi sa hindi pagkakabiyahe ng mga serbisyo nila at produkto.

Tumigil naman ang lahat ng mga negosyo sa mga lubog na lugar. Iba pa ang mga katakot-takot na trapik dahil sa baha at pagkasira ng mga tulay at daan kung saan-saan.

oOo

Milyon-milyon, Suki, ang napipinsala hanggang sa araw na ito na umano’y pag-alis ng bagyong Gener.

Ipinospon kasi ng bagyo ang pag-alis niya sa bansa ng isang araw kaya ngayon pa lang ganap na mawawala sa sakop ng Pinas.

Ang isang tanong: ano-ano na ang ginagawa ng mga onorabol para alalayan ang mamamayan na namamatay, nagugutom at naghihirap dahil sa masamang panahon?

Ang pagkakaalam natin, nag-aaway-away lang sila sa pork barrel, sa pagpapalit kay Mang Atong Corona at pag-iisip kung paano doktorin ang Konstitusyon. Ano ba yan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply