Isara na ang mga pabrika ng sigarilyo

HINDI seryoso ang gobyerno na masawata ang pagsisigarilyo.

Ang nais lang ng pamahalaan ay magpataw ng malaking buwis sa mga naninigarilyo na kadalasan ay ninanakaw lamang ng mga tiwali sa gobyerno.

Kung seryoso ang pamahalaan, dirin sana ay hindi na pinayagan ang Philip Morris na magtayo ng isang dambuhalang pabrika sa Pilipinas.

‘Di rin sana pinayagan na mag tie-up ang Philip Morris at ang Fortune Tobacco na lalong nagpalaki sa negosyo ng tabako.

Kawawang mga naninigarilyo, ang mga addict sa smoking.

Tataasan ang buwis sa sigarilyo at ang kikitain ay ilalagay sa Department of Health (DOH) para mapagamot ang mga may sakit sanhi ng smoking.

Anong klaseng logic ba mayroon ang mga namumuno sa ating gobyerno? At ang DOH?

Maglilikom ang DOH ng tax money sa mga naninigarilyo para sila ay mapa-gamot ng DOH.

Nauulol na ba talaga ang DOH?

Nauulol na ba ang mga tagapagpatupad ng batas? Madali namang ipatigil ang paninigarilyo.

Hindi na kailangan ang isang college graduate para maintindihan yan. Hindi na kailangan ang DOH.

Ang solusyon? Ipagbawal na ang pagtatanim at pag-i-import ng tabako. Tapos ang usapan pag nagawa ito ng pamahalaan. Matitigil na ang kotongan sa Kongreso. At kotongan sa kalye.

Pero paano naman ang mga may-ari ng mga pabrika? Paano naman ang mga trabahador nila?

Paano naman ang mga nagtatanim ng tabako? At ang kanilang mga pamilya?

Mahirap iyan. Mawawalan ng kita ang gobyerno. Mawawalan ng kita ang mga manufacturing company katulad ng Philip Morris at Fortune. Mawawalan ng kita ang mga tobacco planter.

Hindi tama ang solusyon na iyan. Pahirapan na lamang natin ang mga biktima ng paninigarilyo. Tutal, hindi naman sila makarereklamo, silang mga ordinaryo lamang na mamamayan.

Galit din daw ang UN at ang sangay nitong World Health Organization (WHO) sa naninigarilyo. Joke lang yan, mga kababayan. Tuwing katapusan ng Mayo ay mayroon ang WHO ng “No Tobacco Day.” Who are they kidding? Take note, isang araw lang ang inilalaan ng UN WHO sa no tobacco day. Hindi ito no tobacco day everyday.

At sa Pinas naman, 18 percent daw ng mga Pinoy ay naninigarilyo at taon-taon ay 50,000 ang namamatay sa “smoking-related illnesses.” Bola lang yan. Palaki nga nang palaki ang population natin despite the 50,000 annual deaths sa “related illness.”

At palaki nang palaki ang kita ng Philip at Fortune. At buhay na buhay pa rin ang mga tobacco planter ng Ilocos region.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply