Isda, gulay sa pamilihan sa MM nagmahal

WALANG magawa kundi magngitngit ang publiko nang sumipa ang presyo ng isda at gulay ngayong umaga sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa price monitoring sa Libertad Public Market sa Pasay, tumaas ng
P5.00 hanggang P10.00 ang bawat kilo ng isda na dating nasa P100.00 kada kilo, ngayon ay nasa P105 hanggang P120 ang kada kilo nito.

Sampung piso (P10.00) hanggang P15.00 ang iniakyat ng halaga ng ilang gulay tulad ng sayote, Baguio beans at sitaw.

Nananatili namang stable ang presyo ng sibuyas at kamatis.

Ayon kay Gng. Imelda Martinez, residente ng Zamora St., Pasay City, asin at noodles na lamang ang kanilang inuulam para makatipid sa pagbili ng gulay at isda.

Isinisisi naman ng mga nagtitinda sa palengke ang pagsirit ng presyo ng isda at gulay sa naranasang pag-ulan at pagbaha sa Kalakhang Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply