Isko Moreno at NCR-DSWD kapuri-puri

TODO ikot rin ang ginawa ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa kanyang mga nasasakupan nitong nakalipas na Habagat.

Bukod sa personal niyang pag-iikot at pagtulong sa mga Manileno nitong nakalipas na Habagat ay sinigurado rin niyang maayos at nasa tamang presyo ang lahat ng bilihin sa lungsod.

Inikutan lahat ni VM Isko ang lahat ng palengke sa Maynila upang matiyak na hindi sasamantalahin ng mga negosyante ang sitwasyon.

Upang lalo pang matiyak na walang magiging abusado sa panahon ng kalamidad, nagpasa rin si VM Isko sa tulong ng konseho ng Maynila ng deklarasyong pumapasailalim sa “state of calamity” ang lungsod na siyang nagselyo sa “price freeze” sa lahat ng uri ng bilihin.

‘Yan ang kalingang Isko Moreno kaya’t patuloy lamang tayong manalig sa batang Tondong ito dahil talaga namang nasa puso niya ang  kabayanihan at pagtulong sa mamamayan may kalamidad man o wala sa Lungsod ng Maynila.

###

Bilib tayo sa angking sipag at dediskasyon sa trabaho ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development sa National Capital Region (DSWD-NCR) dahil may bagyo man o wala ay patuloy ang kanilang ginagawang paglilingkod at pagkalinga sa mga kapus-palad nating mga kababayan.

Maging ang kanilang pinuno na si Director Ma.Alicia Bonoan ay naging inspirasyon din sa kanyang mga tauhan dahil hindi ito nakitaan ng kapaguran sa kanyang trabaho.

Kalingang mula sa puso rin ang alay ng DSWD-NCR nitong nakalipas na Habagat o Bahagat dahil umabot sa 77,376 pamilya ang kanilang napaglingkuran o umabot sa 368,899 katao ang kanilang binigyan ng tulong na talaga namang kapuri-puri sa lahat.

Tiniyak rin ni Bonoan na nakararating sa tao ang mga relief goods na kanilang pinamimigay dahil sila mismo ang direktang nagpapamahagi ng tulong ng gobyerno sa mga kapus-palad nating kababayan na talaga namang grabe ang inabot na hirap dahil sa nasabing kalamidad.

Kinalinga rin nina Bonoan sa gabay na rin ni DSWD Sec.Dinky Soliman ang may 275 evacuation centers sa 264 barangay sa Metro Manila na grabeng hinagupit ng sandamukal na ulan ni Habagat.

Kaya’t kay Dir.Bonoan at sa kanyang mga tauhan sa NCR-DSWD, ipagpatuloy n’yo lang ang pagkalinga sa mamamayan dahil ramdam naman ng bayan at ng Diyos ang inyong wagas na pagsisilbi sa taumbayan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply