IWRM at CCA seminar ng NWRB pinuri ng mga dumalo sa Davao

MAPALAD ang inyong lingkod dahil na ON THE AIR sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko–DWBL 1242 kHz” ang “Seminar on Integrated Water Resources Management (IWRM) and Climate Change Adaptation (CCA)” na isinagawa ng National Water Resources Board (NWRB) sa Davao City.

Ang mga panauhing resource speaker sa seminar:

1. Engineer Samuel Contreras ng DA-BSWM – nagbahagi tungkol sa IWRM sa sektor ng agrikultura

2. Konsehala Marissa Salvador-Abella ng 2nd District ng Davao City – karanasan ng Davao sa pagpapalaganap at pagpapatupad ng IWRM.

Ang mga tinalakay ng NWRB:

1. Deputy Director Atty. Elenito Bagalihog – Water Code of the Philippines at ang IRR.

2. Atty Mary Jane Dominguez – tamang pagproseso ng aplikasyon ng water permit.

3. Atty Juan Corpuz Jr. – certificate of public convenience application.

4. Engr. Higino Mangosing – mga proseso ng monitoring and enforcement ng mga water permit. Engr. Isidra Peñaranda – Integrated Water Resources Management sa Pilipinas

5. Engr. Susan Abaño-Climate Change Impact on Water.

Nagkaroon ng open forum para sa mga tanong at paglilinaw, at sinundan ng pagbalangkas ng deklarasyon sa pangunguna ni Executive Director Paragas.

May mga participant na nagbigay ng positibo at mainspirasyong mga impresyon sa pangunguna nina Engr. Noel Oclarit, District Engineer ng Misamis Oriental Second District Engineering Office ng DPWH; General Manager Carol Tolentino ng Metro Midsayap Water District; at Principal Engineer Salome Layasan ng NIA-Provincial Irrigation Management Office sa Davao del Norte. Ang tugon sa mga impresyon ay ibinigay ni Information Officer Felisa Manlulu ng NWRB.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply