Jackpot sa 6/45 nasungkit na

NASUNGKIT ng isang mananaya mula sa Camarines Norte ang tamang kombinasyon na lumabas sa 6/45 Mega Lotto habang wala isa man ang tumama sa 6/55 Grand Lotto na binola kamakalawa ng gabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Solong maiuuwi ng mapalad na lotto bettor na tumaya sa outlet sa Baao,Camarines Norte ang kabuuang premyong P4,500,000.00 matapos masapol ang lumabas na kombinasyong 03-34-12-33-42-25.

Nanatili namang mailap ang mahigit P167 milyong pisong premyo ng 6/55 Grand lotto nang wala isa mang makakuha sa lumabas na kombinasyong 49-08-01-02-28-35.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, inaasahan na nila na aabot na sa P182 milyong piso ang magiging premyo ng 6/55 lotto na nakatakdang bolahin bukas ng gabi.

Inaasahan na aniya nila na lalu pang lolobo ang bilang ng mga mananaya na magbabakasakaling maiuwi ang malaking premyo kaya’t inabisuhan na nila ang mga lotto bettors na pumila ng maaga sa mga lotto outlet dahil tiyak na daragsain na ito ng mga nagnanais maging instant milyonaryo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply