Jail decongestion pokus ng PNP

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief, Director General Nicanor  Bartolome ang pagbuo ng mga paraan upang ma-decongest ang mga detention cell kasunod ng mga naganap na jailbreak.

Ilan sa mga naganap na jailbreak ay noong Setyembre 14, 2011 kung saan siyam na preso ang nakatakas sa station 5 sa Quezon City Police District; 10 preso naman ang nakapuga sa Mandaluyong Police station noong May 16, 2012; at tatlo sa Bago City, Negros Occidental noong March 21, 2012.

Pinaniniwalaang ang sobrang sikip ng mga kulungan ang dahilan ng jailbreaks..

“An accounting on May 18, 2012 was also made and it was found out that the PNP Custodial Center in Camp Crame is already congested because of the increasing number of high-risk detention prisoners who have been arrested and indicted for various offenses,” saad ni Bartolome.

Ipinaliwanag pa ng heneral na ang custodial center ay magsisilbi lamang dapat na temporary lock-up facility.

Kabilang sa mga direktiba ni Bartolome ang mga sumusunod:

A. Dapat palaging beberipikahin ng pulisya sa korte kung may commitment order na sa mga preso na nasampahan na ng kaso sa korte.

B. Dapat magpadala ng formal request letter ang mga pinuno ng PNP unit sa mga clerk of court para sa pagpapalabas ng commitment order upang mailipat ang preso sa kulungan kung saan dinidinig ang kanyang kaso.

C. Agad na ilipat ang preso kapag may commitment order na.

D. Dapat palagiang ipaalala ng pulisya sa Prosecutors na ang PNP Custodial Center sa Camp Crame ay temporary detention facility sa mga isinasailalim sa custodial investigation.

“As law enforcers our constitutional duty is to preserve peace, to defend and protect the people whoever they are. Utmost concern and diligence must always be observed in handling detention prisoners to prevent incidents of jailbreaks” dagdag ni Bartolome.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply