Jail guard, kasabwat tiklo sa iligal na droga

ISANG provincial jail guard at kasamahan nito ang kapwa nadakip ng mga anti-drug agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa kanilang lugar nitong August 27, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang mga nahuling suspek na sina Nestor Verdera, alias Entoy, 47, prison guard at nakatalaga sa Occidental Mindoro Provincial Jail, Mamburao Branch; at kasama nitong si Jonel Flores, 32. Ang dalawa ay kapwa ng taga-Mamburao.

Ayon kay Gutierrez sina Verdera at Flores ay nadakip ng mga tauhan ni Director Bryan Babang ng PDEA RO4B, habang nasa aktong inaalok ng shabu ang isa nilang ahente sa lugar ni Verdera sa Barangay 3, Mamburao, Occidental Mindoro.

Pansamantalang nakapiit ang dalawa sa PDEA Occidental Mindoro Provincial Office detention facility habang isinampa na ang kaso kaugnay sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may kaakibat na habang buhay na pagkakakulong at multang P500,000 hanggang P10 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply