Jake Vargas, pinagbawalang ligawan si Bea Binene

KAHIT masakit sa loob ni Jake Vargas na hindi pa niya puedeng ligawan si Bea Binene dahil sinabihan agad siya ng mother nitong si Mommy Carina Binene na di pa puedeng ligawan ang batang aktres dahil 14 years old lang i-to, naintindihan naman agad ng batang aktor.

Sabi ni Jake sa interview ng press sa Party Pilipinas last Sunday, handa siyang maghintay kay Bea kapag pwede na itong ligawan. Sabi raw kasi ni Mommy Carina, 18 years old pa ang anak niya pwedeng ligawan.

Kaya ngayon ay inaamin ni Jake na super close lang sila ng young actress. Kahit hindi sila magkatambal sa Luna Blanca, naro’n pa rin ang support at care niya rito. Tutal naman, nagkikita pa rin sila tuwing Sunday sa Party Pilipinas, bukod pa sa magkasama sila nito sa first indie film na bida si Jake, ang Delusyon, ni direk Neil Tan na ipalalabas na sa September.

Bagama’t si Bea ang leading lady ni Jake, short lang ang role nito sa movie bagama’t markado naman ang role.

Sa Luna Blanca, ang katambal ni Bea ay si Kristoffer Martin.

Samatala, maraming revelation ang magaganap sa Friday sa Luna Blanca. Kahit na masakit sa kanya, babastedin ni Blanca si Joaquin.

Muntik nang makuha ni Devolas si Rowena. Buti na lang at suot ni Rowena ang anting-anting.
Masasaktan si Kiko dahil makikita niya na magkayakap sina Luna at Joaquin.

Makikita ni Divine si Rowena.

Kokomprontahin ni Luna si Blanca dahil sa pagsisinungaling nito. Magtataka naman si Blanca dahil wala naman siyang ginagawang masama kay Luna.

000

Bubble Gang, magse-celebrate na ng kanilang 17th anniversary sa buong buwan ng October

EXCITED na ang mga namamahala ng Bubble Gang kasi ang programa ang pinaka-longest running gag show sa bansa. Sa buwan ng October ay isi-celebrate na nila ang ika-17 anibersaryo ng programa na pinagbibidahan ng tandem nina Ogie Alcasid at Michael V bilang pangunahing comedians ng show.

Supported ang dalawa nina Rufa Mae Quinto, Boy 2 Quizon, Antonio Aquitania, plus ang naggagandahang Bubblets ng show na sina Sam Pinto, Ellen Adarna, Jackie Rice at Gwen Zamora.

Ngayong buwan pa lang ng August ay pinaplano na ng namamahala nang show ang gagawing month long special sa Oc- tober ng program. Nakatatak na sa history ng Philippine television na ang Bubble Gang ang longest running gag show.

Dahil ang TODAS noon ay balitang nakawalong taon lang sa ere.

Anyway, ngayong Friday ay aabangan ang mga nakatutuwang eksena ng BG: Tampok na gags ay pirates, bakit pinatulan ang bata, ayaw pahalik sa first date. Spoof naman ay tampok ng commercial ng Datu Puti at Ambipur.

Ang mga nakatutuwang portions naman ay ang Magdasal tayo, Mr. Assimo, (Michael V), Anti–Buryong Tips (Ogie Alcasid), Cheche Bureche (Ogie at Michael V) at iba pa.

***

Ruru Madrid, may K sa pag-arte

NAPANOOD namin ang performance last Sunday ng Protégé na si Ruru Madrid, kasama siya sa bottom two para sa Mindanao group.

Nakadadala ang ipinakita ni Ruru na maramdaming tagpo kung saan hinahanap niya ang pagmamahal ng kanyang ama. Mas paborito ng ama ang isa niyang kapatid. Talagang todo luha ang mga mata ni Ruru.

Hindi naman kami magtataka kung bakit siya nakapagde-deliver na ng ganito kagaling na performance.

Nang na-interview namin siya sa last presscon para sa mga Protégé contestants, nasabi niya ang hirap ng buhay nang lumipat siya sa Manila para mag-aral. Pinasok na rin niya ang pag-e-enroll sa PETA para sa acting lessons.

Puntirya na kasi ni Ruru ang showbiz. Hilig niya ang acting, bukod sa pagkanta, pagsasayaw at pagtugtog ng iba’t ibang musical instruments. Pinayagan naman siya ng kanyang parents na mag-enroll sa iba’t bang field sa music dahil hilig naman niya ito.

Kahit mahilig si Ruru sa music, hindi niya nakalilimutan ang sports. Gusto niyang maglaro ng bastketball at football. Dahil nasa  Protégé na siya, tigil muna ang kanyang mga athletic activities.

Sa lahat ng hilig niya, supported siya ng kanyang parents na ayon kay Ruru ay parehong involved sa modeling noon. Ang father niya’y commercial at ramp model, samantalang ang kanyang ina ay ramp model ni Goulee Gorospe.

Hindi kataka-taka na si Ruru ay may taas agad na 5’8” kahit siya’y 14 years old pa lang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply