Japanese resto naabo sa Pasay City

NAABO ang isang Japanese restaurant makaraang masunog ito kaninang madaling araw sa Pasay City.

Batay sa ulat ni Pasay City Fire Chief Inspector Douglas Guiab, sumiklab ang sunog dakong 3:00 ng madaling araw sa Furusato restaurant na sa FB Harison Street malapit sa Service Road ng Roxas Blvd. sa Pasay City

Umabot sa ika-apat na alarma ang nasabing sunog at pasado alas-5:15 na ng madaling araw nang ideklarang itong fire under control.

Inaalam pa ng arson investigator kung sadyang sinunog ang naturang gusali, dahil nakatakda itong umailalaim sa renovation. Aabot sa humigit kumulang sa P1 milyon ang halaga ng pinsala nito.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente dahil isang linggo nang sarado ang restaurant para kumpunihin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply