Jay-R Siaboc walang dapat sisihin kundi ang sarili

NAGPA-INTERBYU pala itong si Jay-R Siaboc sa show ni Manang Cristy Fermin and company na Ang Luma sa TV5 at sa panayam sa kanya ay naglabas raw ng sama ng loob ang singer/actor sa rating network na ABS-CBN kung saan dismayado siya sa nangyari sa kanyang career rito.

Ows! Is dat true? Base sa aming pagkakaalam at ng nakararami, si Jay-R mismo ang sumira sa kanyang karera. Paakyat na ‘yung status niya bilang singer at actor dahil binuild-up nga siya nang todo ng ABS CBN, lalong-lalo na ng KANYANG manager noon na si sir Deo Edrinal.

Pero ano ang ginawa ng Bisayang singer na produkto ng Pinoy Dream Academy?

Nagpabaya siya, nalulong sa alak at sobrang na-inlab sa kasamahan sa PDA noon na si Irish Fullerton.

Imagine, kailangang-kailangan siya sa rehearsals nila sa ASAP ‘di siya sumisipot. Tapos, dahil hindi niya napag-aralan ‘yung song at kulang sa practice, tuwing sinasalang siya sa ASAP madalas siyang pumipiyok.

Hindi raw talaga maganda ang ugali ng singer na ito kung saan during his popularity ay naging pabaya siya sa kanyang pamilya sa Cebu. Ang mga ganitong klaseng talent na unproffesional ay ‘di talaga nagtatagal sa showbiz.

Tapos itong si Manang Cristy, todo tanggol ngayon sa katulad niyang oslang si Siaboc. Bina-blind item pa nito si Sir Deo na parang pinalalabas niyang ginamit lang ng mabait na top executive ng ABS-CBN ang sour-graping na mang-aawit. Baligtad Orocanang CSF. Puro kabutihan ang ginawa ni Sir Deo kay Jay-R para sumikat at umasenso ang buhay nito.

Kaya kung ano man ang nangyayari ngayon sa kanya, ‘yan ay kung totoong tricycle driver na lang ba siya sa lugar nila, walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya mismo.

Intiendes gyud!

***

Kasikatan nina Coco Martin, Daniel Padilla, Paulo Avelino etc., magtutuloy-tuloy – Bro. Arman

MAY babala si Bro. Arman Cuban sa kampo ng mahusay na actress na napababalitang balik sa pagdu-droga. Dapat subaybayan n’yo raw ang kilos ni actress kasi baka mag-attempt itong mag-suicide.

Ayon pa kay Bro. Arman, kadalasan ay nag-iisa lang ang nasabing sikat na celebrity sa kanyang condo. So, dapat bantayan siya para maiwasan ang maaaring mangyaring masama sa kanya.

Kay Sharon Cuneta naman, kapag natapos na raw ang kontrata ni Mega sa TV5 ay malaki ang possibility na bumalik ito sa ABS-CBN na naging tahanan niya ng ilang dekada.

Sa mga Kapamilya actors naman, ramdam ng kilalang psychic na magtuluy-tuloy ang kasikatan ng career nina Coco Martin, (na itinuturing na hari ngayon ng teleserye sa ABS-CBN), Daniel Padilla, (na ngayon ay isa ng matinee idol) at 100 thousand na ang talent fee sa mga shows at mas malaki kapag out-of-town show ito, Paulo Avelino na hindi lang sisikat nang husto kundi magkakamit pa ng maraming Best Actor at Best Suppporting Actor awards.

Sa mga young female stars magiging continuous rin daw ang popularidad nina Julia Montes, Kathryn Bernardo, Ella Cruz, Jessy Mendiola, Empress at may malaking future rin sa showbiz ang dating Goin Bulilit star na si Jane Onineza na nagmarka ang performance sa televiewers sa kanyang MMK stint.

At para sa mga gustong magpahula, magpa-feng-shui at magkamit ng Lucky magic Charm ni Bro. Arman, maaari n’yo siyang tawagan sa kanyang CP nos. 0919-6016198 o 0905-3328446 and you will be shocked dahil lahat ng sasabihin sa inyo ng manghuhulang ito basta’t huwag lang magsalita at magtanong siguradong matutumbok niya ang mga gusto n’yong malaman sa inyong kapalaran. Give it a try gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply