JBC: Deliberasyon sa CJ post selection process tuloy na

ITUTULOY ngayong umaga ng Judicial and Bar Council (JBC) ang deliberasyon para sa selection process ng susunod na Chief Justice ng Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Jose Mejia, kinatawan ng academe sa JBC, sisimulan ang kanilang pulong dakong alas-11:00 ngayong umaga sa Katas-taasang Hukuman.

Kabilang aniya sa kanilang tatalakayin kung nararapat pang isama sa botohan para sa shortlist na isusumite kay Pangulong Benigno Aquino III  ang mga nominadong nahaharap sa disbarment case at iba pang mga kaso.

Sa oras na matapos ang botohan ay isusumite na ang shortlist sa Pangulo.

Una nang nagtakda ang Korte Suprema ng kanilang special en banc ngayon umaga ganap na alas 9:30 bago isagawa ang selection process upang talakayin naman ang kinakaharap na disbarment case ni acting SC Chief Justice Antonio Carpio na kabilang din sa 20 nominado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply