Jeep driver kritikal sa saksak ng 4 kelot

AGAW-BUHAY ang driver ng isang pampasaherong jeep nang pagtulungang pagsasaksakin ng apat na lalaking kanyang nakaalitan sa Makati City.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa Pasay City General Hospital si Benedicto Hilario, 38, ng 3852 Macabulos St, Barangay Bangkal sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat na kalalakihan na pawang armado ng patalim na agad tumakas matapos ang pananaksak.

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang kalive-in na si Evelyn Tan na nakasakay din sa ipinapasadang jeep ng biktima nang maganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa kanto ng Evangelista at Dalla St., naturang lungsod.

Nauna dito, namamasada si Hilario kasama ang kalive-in nang biglang harangin ng dalawang lalaking armado ng patalim habang dalawa pa ang sumakay sa jeep at walang babala na pinagtulungang pagsasaksakin ang biktima.

Hindi naman nasiraan ng loob ang kalive-in ng biktima at pinagsisipa ang mga suspek na nagpasyang tumakas patungo sa hindi nabatid na direksiyon.

Humingi naman ng tulong si Tan at mabilis na isinugod sa ospital ang kinakasama.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pananaksak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply