Jeepney driver binaril, kritikal

KRITIKAL ang lagay ng isang jeepney driver matapos itong patraydor ng barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nakikipag-inuman sa kaibigan nito kaninang madaling araw August 5,  sa Bagong Bario, Caloocan City.

Nakaratay at inoobserbahan sa Manila Central University Hospital si James Espiritu y, Sandoval, 41, binata, ng Brgy. 132 Bagong Barrio ng lungsod sanhi ng isang tama ng bala sa likod ng di pa batid na kalibre ng baril.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek dala ang ginamit na baril.

Ayon sa imbestigasyon ni P02 Joseph Dela Calzada ng Sub-Station Investigation Division ng Caloocan Police, dakong ala 1:45 kaninang madaling araw ng barilin ang biktima sa Ponce St. pagitan ng Brgy.142 at 132  Bagong Barrio.

Nabatid na masayang nag-iinuman ang biktima at isa nitong kaibigan nang palihim na lumapit ang suspek sa likuran ni James at walang gatol na nagbunot ng baril saka malapitang pinaputakan.

Isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan, habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa insidente.

Nagsasagawa naman ng isang manhunt operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply