Jessica Sanchez, Apl.de.ap nakikiramay sa flood victims sa Pinas

ILAN sa international celebrity na nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima ng baha sa Pilipinas ay sina Fil-Mexican-American Jessica Sanchez at Fil-Am na si Apl.de.ap (Alan Pineda) ng grupong Black Eyed Peas.

Sa katunayan, gumamit pa si Jessica ng hash tag na #PrayForThePhilippines para sa kanyang mga follower sa Twitter. Marami ang nag–retweet nito sa kanilang mga fan mula sa iba’t ibang bansa.

Habang nanawagan naman ng tulong si Apl para sa mga kababayang nasalanta, lalo na sa kanyang lalawigan na isa sa binayo ng walang humpay na pag-ulan.

Bukod sa dalawa, nakiramay rin si American Idol (AI) season 7 winner David Cook na nagpahayag pa ng kalungkutan sa sinapit ng mga Pinoy.

Magugunitang katatapos lamang ng concert ni Cook sa Pinas kamakailan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply