Jimmy manggagamit ng BoC

DAPAT Dapat  talupan nang buhay ang isang nagngangalang ‘Jimmy’ na walang ginawa kundi gumamit ng mga pangalan ng mga opisyal ng Malakanyang para lamang makapangotong sa mga importer at broker sa Bureau of Customs.

Aba, eh, ang napili pang gamitin sa kanyang  panghihingi ng ‘lagay’ o tongpats sa mga nagne-negosyo sa Aduana ay ang ating kaibigan at dating kasama sa Journal Group of  Publications na si Assistant Secretary Zaldy de Loyola.

Sa totoo lang, maraming taon na nating kilala si Assec. De Loyola  at ang  taong  ito ay walang dumi sa katawan.

At dahil sa katarantaduhan ni ‘Jimmy’ ay nababahiran ang kanyang malinis na pangalan.

Matagal na palang ginagawa ni  ‘Jimmy’ na kilala rin sa tawag na ‘JimMy GUyaBANo’ na bogus umanong ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang panghihingi ng tongpats sa mga player diyan sa Customs.

Lingguhan ang ikot ni “Jimmy Guyabano” sa mga importer at broker para kolektahin ang “tong-pats” niya sa mga ito.

At tumataginting na P10,000 daw kada container ang sinisisingil sa mga BOC player.

Siyempre, baka may mali sa pinararating na containers kaya malaki ang tara kay ‘Jimmy’.

Muntik tayong mahulog sa upuan nang malaman nating si Assec. De Loyola ang kinakaladkad ni “Jimmy Guyabano” sa BOC.

Very close sa Pangulong Noy-noy si Assec. De Loyola kaya, marahil siya ang napiling gamitin ang pangalan para kaagad matakot ang mga importer at broker.

At saka imposibleng maging baluktot ang lakad ni Assec. De Loyola dahil ayaw ni PNoy ang mga kasama sa sirkulo  ng kanyang pamilya ang ‘di sumusunod sa kanyang tuwid na daan na battlecry para labanan ang korapsiyon sa pamahalaan.

Aba’y Assec. De Loyola,  mabuti sigurong komprontahin mo si ‘Jimmy’ para malaman mo ang katotohanan sa panghihiya sa iyo ng taong ito.

Umiiyak ang mga importer at broker sa Aduana dahil grabe kung humingi ng tara itong si Jimmy.

Tumataginting na P10,000 kada container na nakaalarma na ang kinokotong ni Jimmy.

Para tarahan mo ng napaka-laki ang mga nagnenegosyo diyan sa BOC, aba’y magrereklamo nga ang mga iyan.

Kaya suhestiyon natin kay Assec. De Loyola, ‘di niya lang dapat kastiguhin ang ‘Jimmy’ na yan kundi sampahan niya pa ng kaso sa korte para pagbayaran niya ang kanyang panggagasgas sa kanyang pangalan.

‘Di nga lang dapat kasuhan sa korte kundi talupan ng buhay  iyang si ‘Jimmy.’

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply