Joker pinuri ng Senado sa SC oral argument

BINIGYAN ng pagkilala ng Senado si Senador Joker Arroyo dahil sa ginawang paninindigan nito sa Supreme Court (SC) para panatilihin ang dalawang miyembro ng Kongreso sa Judicial and Bar Council (JBC).

Isang resolusyon ang prinisinta ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na agad namang inaprobahan ng Senado kamakalawa ng gabi para kilalanin ang nagawa ni Senador Arroyo.

Matatandaan na si Arroyo ang mag-isang nanindigan sa SC, kaugnay ng isinagawang oral argument noong nakaraang Huwebes hinggil sa hirit ng Senado at Kamara na panatilihin ang dalawang kinatawan sa JBC.

Naglabas naman ng desisyon ang High Court para pansamantalang payagan sina Senador Francis Escudero at Iloilo Rep. Niel Tupas na lumahok sa botohan ng tatlong kandidatong irerekomenda kay Pangulong Benigno Aquino III para maging chief justice ng SC.

Hindi man naglabas ng pinal na desisyon ang SC sa petisyong inihain ni dating Solicitor General Francisco Chavez na iligal ang komposisyon ng JBC dahil isa lang dapat ang kinatawan ng Kongreso at hindi dalawa, ikinatuwa pa rin ito ng mga miyembro ng Senado dahil kahit paano ay nakikinig ang mga mahistrado sa kanilang paninindigan.

Gayunman, nanindigan pa rin si Senador Franklin Drilon na dapat ay ilabas ng SC ang pinal nilang desisyon sa JBC composition dahil marami pang nominees ang dadaan sa body at hindi lang ang chief justice ng SC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply