Jones Cup: Gilas II vs Lebanon

BUBURAHIN ng Smart Gilas Pilipinas II ang nakaharang sa kanilang dadaanan ngayong araw.

Ito ay ang Lebanon para manatiling malinis sa limang laro ng nagaganap na 34th William Jones Cup Men’s International Basketball Tournament sa TPEC gymnasium sa Tienmu, Chinese Taipei.

Kasosyo ng Pilipinas II sa top spot ng team standings ang defending champion Iran na makakaharap naman ang Chinese Taipei B.

Nakahinga ng maluwag ang PHL team ng tumunog ang final buzzer sa laban nila kontra Japan kahapon.

Muntik ng masilat ang Pilipinas II ng makalamang ang Japan ng 13 puntos sa fourth quarter subalit inumpisahan ni Gary David ang paghahabol nang magsalpak ito ng dalawang tres dahilan upang magising ang kanilang opensa.

Si Marcus Douthit ang nangalabaw sa opensa para sa Smart Gilas II matapos bumira ng 26 puntos at 13 rebounds sinundan ito nina Jeff Chan na may 14 markers at LA Tenorio na sumalpak ng 13 pts habang sina Gabe Norwood at David ay nag-ambag ng 11 at 7 points ayon sa pagkakasunod.

Abante ang Pilipinas sa first quarter, 26-23 subalit nagpabaya ang mga ito kaya nalamangan sila ng Japan sa first half, 36-47.

Natikman naman ng team USA ang unang kabiguan ng payukuin sila ng Iran, 89-97 sa double overtime.

Samantala, pihadong dadaan sa butas ng karayom ang tropa ni coach Chot Reyes dahil mapapalaban sila sa matatangkad na Iranians.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply