Kalaban pinatumba ni Julaton sa first round

ILANG segundo lamang ng unang round, pinahiga na sa lona ni World Boxing Organization (WBO) at International Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion Anna ‘The Hurricane“ Julaton ang kanyang kalaban na si Mexican Abigail Pinguita Ramos.

Nakapagtala si Julaton ng isang impresibong knockout win na nangyari sa loob lamang ng 20 segundo ng first round. Naganap ang laban kanina lamang ng umaga sa Yucatan, Mexico.

Ito na ang pangatlong panalo ni Julaton sa Yucatan makaraang tinalo rin noon nito sa nasabi ring lugar ang mga Mehikanang boksingerang sina Jessica Villafranca at Yolanda Segura.

Napag-alaman na si Magali Rodriguez sana ang dapat na makakalaban ni Julaton subalit hindi ito sumipot kaya si Ramos ang kinuhang replacement pero hindi naman umubra.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply