Kaanak ng mayamang negosyante, dinukot

DOBLE kayod ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng Cagayan De Oro City PNP sa napa-ulat na pagdukot sa isang kaanak ng mayaman negosyante sa nabangit na siyudad, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, pwersahang tinangay ng mga armadong kalalakihan ang 24 anyos na si Paul Racuma, ng Old Capitol Marawi City.

Sakay ng isang Honda Civic ang biktima ng habulin at sabatin ng tatlong sasakayan ang kotse ni Racuma.

Nang maabutan at mapahinto ang biktima agad na nagbabaan ang mga armadong suspek sabay basag sa salamin ng kotse ng biktima.

Kasunod nito, pwersahang kinaladkad ang binata at sapilitang isinakay sa isang Toyota Fortuner at mabilis na tumakas sa hindi pa mabatid na direksyon.

Kasalukuyang inaalam ngayon ng  mga awtoridad ang motibo sa likod ng pagdukot habang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply