Kahit walang medalya: Pinoy Olympians karapat-dapat kilalanin

KARAPAT-DAPAT pa ring kilalanin at bigyan ng suporta ng sambayanang Filipino ang mga atletang Filipino na nakiisa sa 2012 London Olympics.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kahit walang medalya ay matapang namang lumaban ang ating mga pambato.

Sa darating na Agosto 14, pauwi na ang delegasyon na bigong makapag-uwi ng medalya.

Ayon kay Valte, pinag-aaralan ng pamahalaan kung paano pa mapagbubuti ang sektor ng palakasan sa bansa.

Nauna rito, inamin ni Pangulong Benigno Aquino III na talagang maliit ang pondo para sa sports kaya dapat itong pagkasyahin.

Kaya nga, dapat na piliin lamang ang mga larong may potensyal ang mga Pilipino at ito ang tutukan para isali sa mga international league.

Samantala, nakatakda namang kausapin ng pamahalaan ang mga kinauukulang miyembro ng Gabinete kung kailangang gawing priority bill ang pagtatayo ng Department of Sports.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply