Kahit walang sked na maibigay ang kampo… Sarah G welcome sa show ni Kris

BEFORE pa iniintriga itong si Kris Aquino na kesyo kung welcome mag-guest sa lahat ng mga programa sa ABS-CBN si Sarah Geronimo, ban raw ang Pop Star Princess sa show ng ex ni Papa Churva. Ang rason na ibinigay ng mga mapanggawa ng isyu, kay dating Senator Manny Villar raw kasi sumuporta si Sarah at hindi sa brother ng Queen of All Media na si Presidente Noynoy Aquino na nangyari during the presidential elections some three years ago.

Well, mabilis na pinabulaanan ito ni Kris na pawang mga speculations lang daw.

Sabi pa ng loving Mom nina Josh at Baby James si Sarah lang daw ang hinihintay ng staff para maging guest nila sa Kris TV.

‘Yung availability raw ng sikat na young singer-actress/host ang problema dahil till now ay walang sked na maibigay ang kampo nito na Viva Entertainment.

May version naman na naglalabasan na kaya raw hindi feel ng camp ni Ms. Sarah G na i-guest siya sa show ni Kris ay baka kasi magisa ito sa iba’t ibang isyu mapa-showbiz o personal na buhay. But knowing Kris, alam naman siguro nito ang kanyang limitasyon. Hindi naman siya magiging Queen of Talk for nothing lang. So why doesn’t Sarah give it a try para matapos na ang issue sa kanila ng kanyang Ate Kris, di ba

Naman gyud?

***

Coco Martin may malaking solo mall show bukas sa Trinoma Mall

BILANG pasasalamat at upang mapagbigyan ang kahilingan ng libu-libong tagahanga ng pangunahing bida ng Walang Hanggan, magkakaroon ng solong mall show si Coco Martinbukas (August 26) bandang 5:00 pm sa Trinoma Mall sa Quezon City.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bubuksan ng naturang mall ang malaki nitong venue para sa isang local artist upang mas maraming ma-accommodate na tao. Ang Trinoma Mindanao Open Parking lot ang nagsilbing concert venue ng ilang popular foreign artists gaya ng 30 Seconds to Mars, Dashboard Confessional atbp.

Maki-bonding na at maki-saya para sa ultimate kilig experience with Coco Martin bukas sa Trinoma Mindanao Open Parking lot. Patuloy na subaybayan ang teleseryeng tinututukan ng buong sambayanan, Walang Hanggan gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_sa kanilang Twitter account.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply