Kailan pa naging kulay ng pagkakaisa ang dilaw?

MAG-ISIP-ISIP dapat ng matino ang mga nagpapakalat ng kaisipan na dilaw ang simbolo ng pagkakaisa ng lahi ni Juan.

Sapagkat sa ating pulitika, ‘yang dilaw ay sa isang partido pulitikal lamang.

May mga gumagamit ng pula, asul, berde o kaya’y halo-halo at kung ano-ano pa at kitang-kita ito tuwing halalan.

Lahat sila’y naglalaban-laban at ang kanilang laban sa maraming pagkakataon ay humahantong sa patayan, impitsmen at iba pa.

Diyan sa Kamara, yung mga dilaw, kasama na ang mga balimbing, ay nakakukuha ng pork barrel pero yung iba ang kulay na dinadala, hindi.

Kahit pa na ang pork barrel ay nanggagaling sa buwis ng mamamayan nang walang kulay. At masakit, ang mga nagbabayad ng buwis na sakop ng mga ‘di dilawan ay ‘di nakikinabang sa buwis.

oOo

Maganda naman ang dilaw o yelo, ke simpleng yelo yan o yelo gold. Ang ganda ngang gamit yan sa kalsada dahil nakikita nang maliwanag ang yelo na trapik sayn at sasakyan sa gabi.

Maganda yan sa iwas-disgrasya.

Kaya lang paano ang pag-turing ng Kristiyanismo na ang dilaw o yelo ay namber wan na simbolo o palatandaan ng pagkagahaman?

Ang dilaw o yelo ay iglap ding nagpapakita sa mga trapik layt sa Metro Manila na sobra ang bilis sa pagpapalit ng ilaw mula sa grin patungong red. Dahil sa bilis ng pagpapalit ng ilaw, nag-aabang ang mga taga-MMDA at trapik enporser sa kabila ng mga kalsada para manghuli sa mga bayoleytor daw sa trafik sayn.

Rayt der en den, idedeklara kang gilty dahil nag-aasta silang pulis, piskal at huwes. Pero ang totoo, nasa likod niyan ang pamemera ng mga taga-MMDA at enporser sa pagkakaroon ng komisyon sa multa ng mga motorista.

Sa mga obrero, ang dilawan ay ang mga nagbebenta ng kanilang mga jenwayn nilang karapatan.

Paano magkakaroon ng pagkakaisa riyan, huh?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply