Kakaiba si de Lima

SA pinakahuling balita ay tuluyan nang ibinasura ng Integrated Bar of the Philippines ang petisyon ni Justice Secretary Leila de Lima na humihiling na ibasura ang disbarment case na isinampa laban sa kanya.

Sa isang panayam ay sinabi ni IBP President Roan Libarios na unanimous ang desisyon ng mga miyembro ng Board of Governors para ituloy ang imbestigasyon ng disbarment case laban kay Leila.

Niliwanag ni Libarios na ang desisyon ng IBP para ituloy ang disbarment complaint laban kay de Lima ay base sa merito ng kaso na isinampa sa kanya na naayon naman sa mga alintuntunin ng kanilang samahan.

Sa mga hindi nakakaalam ,ang IBP ay ang pambansang samahan ng mga abogado sa bansa at walang sinoman ang puwedeng magpraktis ng kaniyang propesyon kung hindi siya kasapi ng samahan.

Matatandaan na si De Lima ay isa sa 20 nominado na una nang kinapanayam ng Judicial and Bar Council para pagpilian at mapabilang sa shortlist ng puwedeng ipalit kay impeached Chief Justice Renato Corona.

Ang shortlist na iyon ang isusumite kay Pangulong Noynoy Aquino para pagpilian naman niya ng susunod na Chief Justice.

Ang isa mga kwalipikasyon para maisama sa shortlist ng JBC ay kailangang walang nakabimbin na kaso laban sa isang nominado.

At dahil may kapamahalaan ang IBP sa lahat ng abogado, doon isinampa ng mga complainant ang disbarment case laban kay de Lima.

Kaya kailangang makiusap ngayon si de Lima sa IBP para ibasura ang disbarment case laban sa kanya kung hindi ay ‘di siya  maisasama sa shortlist.

Sa huling tala ay nagpadala na ng umaabot sa pitong sulat si de Lima sa JBC at IBP na nakikiusap na ikonsidera siya na maisama sa shortlist.

Ang nakatatawa rito, kapansinpansin na sa lahat ng nominado ay siya ang pinakamaingay at pinakaagresibo sa pagla-lobby sa JBC para maisama sa shortlist.

Ang isa pang sobrang nakatatawa rito ay parang nakakalimutan niya na Sup-reme Court Chief Justice ang posisyong pinaglalawayan niya.

Iyon ang posisyong binalewala at sinalbahe niya ng maglabas ng kautusan ang SC na pumapayag para makaalis papuntang abroad ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga kasama niya.

Sa kabila ng kautusan ng SC ay hindi niya pinayagan makaalis si GMA kaya iyon din ang ugat ng disbarment case laban sa kanya ngayon.

Pagkatapos ng lahat ng paglapastangan niya sa  SC ay heto at atat na atat siya na pamunuan ito.

Ano kaya ang meron sa puwesto ng SC at ano ang agenda niya?

Ang isa pang tanong ay nasaan na ang delicadeza niya?

Ibang klase talaga si de Lima, kakaiba siya sa ibang mga nasa kapangyarihan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply