Kampeon ang Smart Gilas

MULING tinanghal na kampeon ang Team Pilipinas matapos talunin ang pitong mga bansa sa 34th William Jones Cup makalipas ang 13 taon.

Naging mainit ang laban ng Gilas at Team USA makaraang maagang nakaungos ang kalaban.

Sa pagtatapos ng first half, 10 ang naging lamang ng Amerika.

Nagawa namang makadikit ng Nationals sa 4th quarter matapos maitabla ni LA Tenorio sa 59-all ang iskor.

Sa natitirang 36 seconds, muling lumamang ang USA sa iskor na 75-74 pero kaagad nabawi ng Pilipinas ang lead nang muling makasungkit ng dalawang puntos si Tenorio sa natitirang 8 seconds.

Dito ay hindi na pinayagan pa ng national team na maka-porma ang kalaban hanggang maubos ang oras ng laro at mapanatili ang one-lead victory; 76-75.

Hawak na ng Smart Gilas ang 7-1 win-loss record para makuha ang kampeonato.

Maalala na sa laro rin kahapon ng Pilipinas kontra Chinese Taipei (A) ay naging dikitan din ang laban simula first quarter.

Nagtapos ang first quarter na tabla sa 16 points ang score ng bawat koponan.

Sa pagtatapos ng first half, nasa 37-29 ang score, lamang ang Pilipinas.

Kabilang sa mga bansang tinalo ng Pilipinas ay Chinese Taipei-A, Chinese Taipei-B, Jordan, Iran, Japan, South Korea at Amerika.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply