Kampo ng militar sinunog ng NPA

SINUNOG ng mga pinaghihinalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isa sa kampo ng mga militar sa Albay.

Ayon kay Maj. Narzan Oboyes, spokesperson ng 2nd Infantry Battalion Philippine Army, sunog at halos wala ng natira sa dating detachment ng Charlie company sa bahagi ng Barangay San Ramon, bayan ng Daraga.

Wala namang anumang kagamitan ang kinuha o sinira ng mga naturang rebelde.

Bago ang panununog, lumipat na sa Alobo detachment ang grupo ng mga sundalo matapos ang nangyaring panununog sa ilang construction equipment na gagamitin sana sa construction ng Legazpi International Airport noong nakaraang mga buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply