Kapag oras mo na!

PATUNGO ako ng Maynila noong Sabado (August 19) nang magulantang ako sa ulat sa radio na bumagsak sa karagatan ng Masbate ang sinasakyang eroplano ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Sa unang bugso ng balita, nakaligtas daw ang aide ng kalihim na isang police senior inspector, ngunit ang masamang ulat, si Sec. Robredo at ang dalawang piloto ay hindi pa natagpuan.

Simula nang mabalita ang pagbagsak ng eroplano, hanggang sa lumipas ng ilang oras, ako ay nabagabag dahil sa tagal ng search and rescue operation ay ‘di pa nakikita ang ill-fated plane.

Dumating ang linggo ng umaga ay walang malinaw na ulat tungkol sa tangkang pagsagip sa buhay ng dating Naga City Mayor. Habang lumilipas ang oras at araw, unti-unti tayong nawawalan ng pag-asa.

Hanggang noong umaga nga ng araw ng Martes, natagpuan ang wreckage ng eroplano sa lalim na 180 feet. Para madaling maintindihan, ang lalim ng dagat ay kasin-taas ng 18 floor na gusali.

Sumunod ay ang pagkuha ng mga master at technical  divers – na galing pa sa iba’t ibang bansa  – sa patay at  lumubog nang katawan ni Sec. Robredo mula sa loob ng bumagsak na eroplano.

Ang buhay nga naman ng tao. Walang mag-aakalang mawawala na pala sa mundo ang magaling na kalihim dahil sa mga  nakaraang  araw ay  abalang-abala pa ito sa pag-aasikaso sa mga binaha ng nakaraang Habagat.

Huling mga sandali ni Sec. Robredo ang pagharap sa mga bisita, opisyal at kawani ng Criminal Investigation and Detection Group sa isinagawang pagtitipon sa Cebu kung saan siya ang guest speaker.

“Magpapaalam na ako sa inyo”, ang mga katagang huling binitawan sa mga guest and participant ng nasabing pagtitipon. Ang binigkas na mga huling salita ay ‘di raw naririnig sa kalihim.

Marami ang nanghihinayang sa pamamaalam ni Sec. Robredo dahil sa angking talino sa pagiging serbisyo-publiko. Pero ika nga, may kasabihan na kapag oras mo na, wala nang magagawa.

Nakikiramay tayo sa mga inulila ni Sec. Robredo.

SI PATRICK NG BAGUIO CITY

Matagal nang inirereklamo ang iligal  monte, sakla at poker games ni alyas Patrick sa Baguio City, pero patuloy ito sa operasyon.

At ang masama, mga NBI agent pa raw ang bantay ni Patrick sa kanyang iligal na negosyo na makikita sa Legarda at Bokawkan road. Paging Mayor Mauricio Domogan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply