Kapakanan ni Lolong, dapat isipin – DENR

MARIING nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang kapakanan lamang ng buwayang si Lolong ang iniisip ng ahensiya kung kayat dapat na maayos ang tahanan nito.

Ito ang sinabi ni DENR Secretary Ramon Paje kaugnay ng hangaring mailipat sa Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) sa Quezon City si Lolong.

Dapat, anyang, maingatan si Lolong lalupa’t naideklara itong pinakamalaking buwaya na nahuli sa buong mundo.

Sinabi ni Paje na nitong nagdaang araw ay ipinakita lamang ng DENR kay Bunawan Mayor Edwin Elorde ang lawa sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife (NAPW) na maaaring ayusin para maging permanenteng tahanan ni Lolong kung papayag sila.

Kung ang kikitain naman umano sa turismo ang pinuproblema ni Elorde at ng mga taga-Bunawa, nakatitiyak umano siyang mas malaki ang kikitain ni Lolong sa NAPW dahil mas madali itong puntahan sa Metro Manila.

Maglalaan din umano ang DENRa ng ilang bahagi ng kikitain ni Lolong sa pamilya ng mga naging biktima nito, partikular ang 12-anyos na si Rowena Romano.

Gayunman, sinabi ni Paje na kung makikita ng ahensiya na hindi mapapangalagaan ng husto si Lolong ay tiyak na ililipat ng ahensiya sa mas maayos na lugar ang naturang buwaya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply