Kapalit ni ex-CJ Corona malalaman sa Aug. 27

MALALAMAN na sa Agosto 27, 2012 kung totoo ang balitang “Trojan Horse” lang ni Pangulong Benigno Aquino III si Justice Secretary Leila de Lima na umupo bilang Supreme Court Chief Justice dahil ang talagang manok nito ay isa kina Supreme Court magistrate Arturo Brion at dating San Juan Cong. Ronaldo Zamora.

“Abangan natin sa August 27 po ang kanyang decision. That will settle everything,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Tikom naman ang bibig ni Lacierda kung talagang bumisita noong nakaraang linggo sina Brion at Zamora sa Malakanyang para personal na kausapin ni Pangulong Aquino.

Kapwa pasok sina Brion at Zamora sa walong nominadong ng Judicial and Bar Council (JBC) shortlist na pagpipilian naman ng Punong Ehekutibo na ipalit kay dating SC Chief Justice Renato Corona.

“As a standard procedure, he takes the opportunity to meet with the applicants. But we don’t know yet, because of the situation right now, whether those interviews will take place. So we’ll let you know,” ani lacierda.

Muling inulit naman ng Malakanyang ang posisyon ng Punong Ehekutibo na bagama’t dismayado ito sa hindi pagkakasama ng pangalan ni De Lima ay pipili pa rin ito sa listahang ibinigay ng JBC sa kanya.

“Nagsalita na siya doon. Ang sabi nga niya: ‘Gayunpaman, I will make a selection based on the shortlist.’ So nasabi niya ang kanyang damdamin doon, sentiment doon sa shortlist dahil sa ang tingin niya ay hindi pantay ang pag-apply ng rules and this is what he said already on the rules on disqualification—kung may disbarment or administrative case. Sinabi rin ng Pangulong Aquino ‘I will choose from the shortlist,” ang pahayag ni Lacierda.

Personal namang kukumpirmahin ni Lacierda kay Pangulong Aquino kung kailan kakausapin nito ang mga nominado ng JBC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply