Kapalit ni Robredo sa DILG ihahayag sa Sept. 7

IHAHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III ang papalit kay yumaong Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa Setyembre 7 bago tumulak patungong Russky Island, Vladivostok, Russia para pangunahan ang Philippine delegation sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week na gaganapin simula sa Setyembre 2 hanggang 9.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, sa ngayon ay wala pang kinakausap si Pangulong Aquino sa mga posibleng nominado na magiging bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government.

Sa ulat, itinutulak naman ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas si Cavite Rep. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na maging susunod na kalihim ng DILG.

Si Abaya ang secretary general ng Liberal Party (LP) at chairman ng maimpluwensiyang House Committee on Appropriations.

Bilang LP president, may bigat kung sino man ang manok ni Roxas subalit si Pangulong Aquino, bilang chairman ng partido ay nagpahiwatig na nais niyang italaga si Sen. Panfilo Lacson bilang kapalit ni Robredo.

“The Liberal Party will do something come hell or high water to ensure that their man will get the post left behind by the late Secretary Robredo,” ayon sa ulat.

Nais ng LP na makuha ang naiwang puwesto ni Robredo upang sa gayon ay mahawakan nilang mabuti ang local government units (LGUs) bilang paghahanda para sa 2013 at 2016 elections.

“But Senator Lacson is one of the frontrunners here. The LP has the difficulty of convincing the President to tap one of the LP leaders to head the DILG,” ang nakasaad pa rin sa ulat.

Samantla, matatapos naman ang termino ni Lacson bilang senador sa Hunyo 2013.

Habang si Abaya naman ay isang retiradong Philippine Navy officer na nagtapos mula sa United States Naval Academy (USNA).

“There have been no talks on the LP side,” ayon kay Abaya bilang tugon sa ulat na siya ang ini-endorso ni Roxas na maging kapalit ni Robredo sabay sabing “Did he? I haven’t heard from him.”

Ang kinatawan ng Cavite ay isa sa grandchildren ni dating Gen. Emilio Aguinaldo, kauna-unahang Pangulo ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply