Kapit sa batas at di kapit-patalim

NAGULANTANG ang  ng Maguindanao at  Lanao del Sur sa ARMM dahil sa mga insidenteng kinasangkutan ng Philippine Army-AFP kung saan ang mga mandirigmang sundalo ay hinambalos ng paglusob at ambush ng kanilang mga kalaban, BIFF sa Maguindanao at sindikato sa Marawi City, Lanao del Sur.

Sa huling tala, sampung sundalo ang namatay samantalang me dalawang sibilyan din na nasawi kabilang ang isang 10-anyos na babae sa Marawi City.

Mahigit sa 10,000 evacuees na ang nailista sa mga eskwelahan na ginawang pansamantalang tuluyan ng mga nagsilikas sa apat na bayan ng Maguindanao.

Sa Marawi City, lalong naghigpit ang mga tauhan ng 103rd Brigade, 6ID Philippine Army sa mga itinayo nilang checkpoint sa lungsod.

Pero teka nga at bakit nagkaroon ng ganung klaseng sitwasyon? Ayon sa intelligence info na nakuha natin, ang kaguluhan sa Maguindanao ay udyok ng tatlong mga impluwensyang tao na gustong makaiskor dahil napag-iiwanan sila sa ere sanhi ng mga kaganapan na bunsod ng reporma sa rehiyon.

Dagdag pa ang mga posibleng madiskaril na plano sa darating na 2013 at ito diumano ang naging common sa dalawang nabanggit na insidente.

Gusto ng pulpol na pulitiko na paniwalain tayo na tapos na ang diumano ang awayan ng BIFF at ng angkan ng Ampatuan kaya naghuhugas na sya ng kamay.

Sa Marawi City, nakabibingi ang katahimikan ng ilang sektor at hindi nagawang kondenahin ang ginawang pangrereyd ng mga sundalo sa bahay ni Mayor Fahad ‘Pre’ Salic bagamat malakas ang dagundong ng pagbalikwas ng condemnation sa pagpaslang sa batang babae na nahagip ng bala sa loob ng kanilang bahay.

Sa dalawang insidente, iisa ang itinuturong dapat gawin ng taumbayan para kagyat na makamit ang solusyon sa mga kaganapan. Ito ay ang agarang pagsunod sa mga itinatadhana ng batas.

Me mga kahinaan ito pero ang mabisang pananggalang laban sa mga pang-aabuso sa kanilang mga karapatan.

Pwedeng humingi ng ayudang legal ang mga naging biktima ng nasabing kaguluhan sa Maguindanao dahil sa malaot madali ay aabutin din ng kamay ng batas ang mga me kagagawan ng gulo at ganun din ang mga naging biktima sa Marawi City.

Bukas ang tanggapan ng mga korte para idulog ang mga karaingan.

Ang punto de bista ay maiwasan ang nakagawiang istilo na laging walang laman ng mga kasong idinudulog sa mga korte kundi ang mga balitang nag-armas ang isang pamilya para personal na manghingi ng hustisya laban sa kanilang kaaway.

Kelan kaya maituturing na malaganap na ang paghawak sa patalim ay iniwasan na at ang pagkapit sa bisa ng batas ang ginawang armas dito sa ARMM?

Sana malapit na!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply