Kapitan umawat sa away, patay

DAHIL sa pag-awat sa away, namatay ang isang barangay captain nang tamaan ng bala na para sa kaaway ng isang lasing na lalaki sa Camarines Sur kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Bicol Medical Center (BMC) sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa dibdib ang biktimang si Gerald Regollano, 33-anyos at barangay captain ng San Jose, Pili, Camarines Sur.

Hinahanting na ngayon ng PNP-Pili ang suspek na hindi ibinunyag ang pangalan upang panagutin sa krimen.

Ayon kay Chief Inspector Venerando Ramirez, hepe ng PNP-Pili, naganap ang insidente sa loob ng isang videoke bar sa lugar.

Bago ito, bilang kanyang tungkulin ay pinuntahan ni Regollano ang komosyon na naganap sa isang videoke bar.

Pero habang inaawat niya ang mga nagtatalo, bumunot ng baril ang hindi pa matukoy na suspek at binaril ang kaaway nito ngunit sa kasamaang palad ay ang biktima ang tinamaan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply