Karambola ng 3 sasakyan: 1 dedo, 2 sugatan

TODAS ang isang driver habang dalawa pa ang nasugatan sa naganap na banggaan ng taxi, trailer truck at closed sa may East Service Road, Brgy. San Martin de Porres, Parañaque kaninang madaling araw.

Sa ulat sa telebisyon, nakilala ang namatay na si Mario Gonzales, driver ng closed van na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan dahil sa pagkakaipit.

Galos at pasa naman ang tinamo ng pahinante ni Gonzales na si Jopreso Sumalali.

Dinala naman sa pagamutan ang isang pahinante ng trailer truck na nakilalang si Vincent Politao.

Nagdulot nang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar ang naturang pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply