Kasama si Enchong Dee, Maja naglasing hanggang madaling araw

ISANG tsismosong tambayero at gimikero ang nakausap namin kamakailan. Habang nasa bisinidad daw siya ng Edsa Shangri-La hotel nung nakaraang Martes naispatan umano nito si Maja Salvador kasama si Enchong Dee na palabas nang nasabing gusali at mahalagihay ang paglalakad ng batang aktres samantalang si Enchong ay normal lang daw ang kilos.

Nakita rin nang kausap namin na may Toyota Vios na sumundo kay Maja dahil wala raw itong dalang sasakyan. Kamuntik pa nga raw masilipan ng tsismosong kaututang-dila natin ang dalaga sa pagsakay sa kotse dahil ang ikli raw ng suot nitong damit at medyo raskal pa ang paggalaw dahil sa nainom na alak.

Ayon pa sa tsika, ang sumundo kay Maja ay isang girlitang kaibigan na tinawagan umano nito upang kunin siya at magpahatid sa filinvest dahil alas-kuwatro na nang madaling araw nun, at si Enchong naman ay pauwi na rin sa sarili nitong tirahan at may dala naman itong caru.

Well, akala natin ay okey lang kay Maja ang pakikipaghiwalay nito kay Matteo Guidicelli, pero lumalabas na mas mukhang siya yata ang nasaktan nang matindi, huh! Eh, ‘yun namang pangangayayat at pangingitim ng binata ay dala raw ng sobrang paglalaro nito. ‘Yun na!

***

Bading na host pagala-gala sa gabi

PINAG-UUSAPAN naman ng mga tambayers itong isang bading na host dahil sa kabila ng busy scheds nito sa rami ng karaketan nito ngayon sa showbiz ay nakikita pa rin daw nilang pagala-gala itong sa mga bar.

Ang ingay-ingay daw ng baklita at kung titingnan mo naman ay parang taong-grasa sa suot na tsipipay na damit at parati pang nakatsinilas. Ang badingding na ‘to ay madalas daw masangkot sa awayan. Sinetch?

***

Carmina lalong gumagaling sa hosting at acting

HABANG pinanonood namin si Carmina Villaroel sa Lorenzo’s Time sa Primetime Bida ng ABS CBN ay ramdam na ramdam namin ang acting niya bilang childhood sweetheart ni Enzo (Zaijan Jaranilla).

Kahit hindi siya nagsasalita at nakatingin lamang habang si Enzo ay pinagagalitan ng kanyang titang si Amy Austria ay awang-awa siya at nagtatanong ang kanyang mga mata kung ano ang nangyari.

Nasasaktan si Mina sa ginagawa kay Enzo sa mga eksena at dito naipakikita niya ang galing ng pag-arte. Arte para sa isang batang inaapi, at sa isang paslit na rati niyang minahal pero naiwan sa paglaki.

Maging sa Showbiz Inside Report ay mas lalo siyang gumagaling si Carmina bilang isa sa hosts (kasama sina Janice de Belen, Joey Marquez at Ogie Diaz) ng kakaibang talk show na ‘to na pinaghalong personal at live interview, may malalim na pag-aanalisa, iba’t ibang komento at reaksyon mula sa mga nabanggit na hosts.

Kaya hindi kataka-takang lalong tumataas ang rating ng SIR. Every Saturday ay ilang puntos ang inaakyat ng rating ng show.

Anyway, napaganda ang paglipat ni Carmina sa ABS CBN dahil mas lalong naipakikita niya rito ang iba’t ibang talento meron siya.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply