Battered maid, P800 lang ang sahod

SUMASAHOD lamang ng P800 bawat buwan ang kasambahay na nagsampa ng reklamong kriminal nitong nakaraang linggo laban sa isang mag-asawa sa Quezon City.

Ito ay sa kabila na ang suweldo para sa mga kasambahay sa Metro Manila ay naglalaro sa P3,500, ayon kay Persida Rueda-Acosta, hepe ng Public Attorneys Office (PAO).

Ayon kay Acosta, kahit maliit ang suweldo, hindi pumapalya ang biktimang si Bonita Baran, 21-anyos, tubong Catanduanes, na magpadala ng pera para sa kanyang nanay.

Halos bulag na si Baran sa tinamong mga pagmamaltrato at pananakit ng kanyang mga amo.

Dala ng kanyang tinamong kapansanan, hindi na kaya ni Baran na magtrabaho pa.

Kaugnay nito, sa tulong ng PAO nagsampa ng kasong attempted murder, physical injuries at serious illegal detention si Baran laban sa kanyang mga amo na sina
Reynold at Analiza Marzan ng Las Villas del Cielo, Visayas Avenue, Q.C.

Isinama naman si Reynold sa reklamo bilang accessory to the crime dahil pinapayagan nito ang kanyang asawa ang pananakit kay Baran, na nagsimulang magtrabaho sa mag-asawa noong Pebrero 2007.

Sa sumbong ni Baran, paulit-ulit siyang sinusuntok ni Analiza sa kanyang mata, pinapaso ng plantsa ang kanyang mukha, sinasaksak ng gunting at kutsilyo at pinipilit pinalulunok ng patay na ipis.

Itinakda ng Quezon City prosecutors office ang unang pagdinig para sa preliminary investigation ng kaso sa Agosto 9. Nagpalabas si Assistant City Prosecutor Ronaldo Torrijos ng isang subpoena laban sa mag-asawang Marzan.

Kumpiyansa naman si Acosta na tatanggapin ng korte ang kaso dahil si Baran ay isang credible person na naaalala ang detalye ng kanyang karanasan.

Bilang pagsubok, tinanong ni Acosta si Baran kung makikilala pa niya ang kanyang mga dating amo sa kabila ng kanyang kapansanan ngayon, sumagot naman si Baran na“If I hear their voice, I will know them.”

Ayon kay Acosta kasalukuyang naninirahan si Baran sa isang bayan sa Gitnang Luzon kasama ang kanyang ina at kapatid.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply