Kaso ng dengue, nakababahala sa CDO

TINATAYANG umaabot sa limang pasyente ang isinusugod sa mga ospital sa Cagayan de Oro city bawat araw dahil sa sakit na dengue.

Kasabay nito, nababahala ang mga opisyal ng lungsod dahil tatlo na ang naiulat na namatay dahil sa nasabing sakit sa mga nakaraang buwan.

Sinabi ni Councilor Dante Pajo, chairman ng Committee on Health sa Sangguniang Panglungsod na halos doble ang kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Pajo, mas lalo ngayong nakamamatay ang sakit kaya hindi ito dapat na ipagsawalang bahala.

Sa datos mula sa surveillance team ng City Health Office, aabot sa 1,341 na mga kaso ang naitala mula sa Enero hanggang Agosto 2 ngayong taon kumpara sa 816 na kaso noong 2011.

Limang barangay sa lungsod ang tinututukan ngayon matapos magtala ng pinakamaraming kaso ng dengue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply