Kaso ng dengue sa bansa umabot sa mahigit 80,000

IPINAHAYAG ng Department of Health na umabot na sa naka-aalarma na bilang ang kaso ng dengue sa bansa.

Batay sa talaan ng DOH nasa 80,745 ang kaso ng dengue sa bansa, sa nasabing bilang, 496 ang namatay.

Kaugnay nito, nababahala na ang DOH sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Dahil dito, pinangangambahan na posibleng magkaroon ng dengue outbreak sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa susunod na linggo.

Nabatid na dagsa na ang mga dengue patients sa East Avenue Medical Center sa Quezon City at San Lazaro Hospital sa Maynila kasabay ng pagpasok ng buwan ng Agosto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply