Kaso ng dengue sa QC lumobo

UMAKYAT na sa 4,999 ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City.

Sa panayam sinabi ni QC Health department head Dra. Antonietta Inumerable, ang nasabing bilang ay mula Enero hanggang Hulyo lamang ng taong ito.

Aniya, mas mataas ang kanilang naitala ngayong taon kumpara noong 2011 na umabot lamang sa 3,328 kaso sa kaparehong panahon.

Magkagayunman mas malaki naman aniya ang bilang ng nasawi sa naturang sakit noong isang taon na umabot sa 28 katao kumpara ngayong taon na nasa 23 katao lamang.

Samantala, maliban sa dengue, nakapagtala rin ang QC Health department ng 11 indibiduwal na nasawi sa sakit na leptospirosis na karamihan ay mga may edad na.

Kaugnay nito, humihingi ng tulong sa Department of Health (DOH) si Dra. Inumerable upang mapunan ang kakulangan nila sa supply ng gamot partikular sa mga pangunahing sakit ngayong tag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply