Kaso ng dengue sa W. Visayas, sumirit na sa 4,000

SIMIRIT na sa 4,000 ang bilang ng kaso ng dengue sa Western Visayas.

Batay sa nakalap ulat ang kabuuang bilang ay mula sa pagitan lamang ng Hunyo at Agosto, na mula sa 1,654 na kaso noong Enero hanggang Hunyo 2 ay umakyat ito sa 6,140 cases at 60 ang namatay, mula Hunyo 3 hanggang Agosto 11.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Iloilo na mayroon itong 2, 127 mga kaso kasama ang 27 namatay sa sakit.

Kasama sa mga sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na umaabot ng apat hanggang pitong araw, rashes, pananakit ng ulo, kasu-kasuan at ng kalamnan, pagsusuka at pamamaga ng lymph nodes.

Pinag-iingat ng DOH ang publiko na linisin at alisin ang mga bagay na posibleng pamahayan ng lamok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply